4. Pag-ahon ng mayorya mula sa kahirapan
Pagpupunyagian nating iahon ang mayorya ng mamamayan mula sa kahirapan na pinasisidhi pa ng pandaigdigan at panloob na krisis pang-ekonomya. Igigiit natin na bilang kagyat at pinakamataas na prayoridad ng pamahalaan at lipunan ang pagtugon sa mga sumusunod kahilingan ng batayang mga sektor at ng mamamayan: sapat na trabaho sa loob ng bansa at nakabubuhay at makatarungang sahod sa mga manggagawa, lupa at suporta sa produksyon sa mga magsasaka, produksyon ng sapat at abot-kayang pagkain, mas mabisang sistema ng pampublikong edukasyon at mas maunlad na serbisyo sa kalusugan, pabahay, tubig at kuryente. Kakalingain natin ang mga bata, matatanda, may kapansanang pisikal at iba pang may natatanging pangangailangan.

We are a coalition with a definitive vision for change. A coalition that advances the aspirations, triumphs, and potential of the people’s parties, promotes nationalism, democracy, and the rights and welfare of the people at all times.

