5. Pangangalaga sa kalikasan
Pinangangalagaan natin ang kalikasan upang matamasa ng lahat at nang susunod na mga henerasyon ang yaman at biyaya nito. Hahadlangan natin ang pamiminsla sa kalikasan. Mapagpasya tayong kikilos upang protektahan ang ating mayamang sistemang ekolohikal mula sa labis na pagsasamantala at pagwasak laluna ng dambuhalang mga komersyal na interes, dayuhan at lokal. Lilimitahan natin nang husto ang komersyal na pagmimina, pagtotroso at pangingisda at itutuon ang mga ito sa aktwal na pangangailangan ng pag-unlad ng bansa. Mag-aambag tayo sa paglutas sa suliranin ng pag-init ng mundo na umabot na sa kritikal na antas. Sisikapin nating mapaunlad ang kapasidad ng bayan sa pagtuklas at paggamit nang malinis at di nasasaid na enerhiya. Titiyakin natin na ang mga aktibidad ng tao ay di nakapipinsala sa kalikasan at kapaligiran.


We are a coalition with a definitive vision for change. A coalition that advances the aspirations, triumphs, and potential of the people’s parties, promotes nationalism, democracy, and the rights and welfare of the people at all times. 
