8. Pagpapaulad ng pagkakaisa at mga kulturang Pilipino
Pinahahalagahan natin ang kulturang mapagmahal sa bayan, mapagmalasakit sa mamamayan, mapangalaga sa kalikasan, syentipiko at progresibo. Patitibayin natin ang pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng pagpapatingkad ng kasaysayan, kultura at pagpapahalagang kumon at ng pagpapaunlad ng pambansang wikang Filipino. Kaalinsabay, igagalang at pagyamanin natin ang iba’t-ibang kultura, kaugalian, wika at dyalekto ng iba’t-ibang lahi at mamamayan. Itatakwil natin ang kaisipang kolonyal at korap, ang konsumerismo at indibidwalismo, kabulukang moral at kultural.

We are a coalition with a definitive vision for change. A coalition that advances the aspirations, triumphs, and potential of the people’s parties, promotes nationalism, democracy, and the rights and welfare of the people at all times.

