Ang Ating Pangalan, kasapian at mga tsapter
Ang koalisyong ay tatawagin nating Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o Makabayan. Ginagamit natin ang katagang makabayan sa dalawang pakahulugan: ang pagiging makamamamayan at makabansa, ang ating dalawang saligang prinsipyo.
Ang mga partidong tagapagtatag ng Makabayan ay ang Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataang Pinoy, ACT teachers’ party list at COURAGE party list. Kasama din ang mga personahe at indibidwal na nagtataguyod ng mga layunin, prinsipyo, programa at alituntunin ng Makabayan.
Bubuuin ang mga tsapter ng Makabayan sa mga prubinsya, lunsod at munisipyo na may tsapter o kasapian ang dalawa o higit pang kasaping partido ng koalisyon.

We are a coalition with a definitive vision for change. A coalition that advances the aspirations, triumphs, and potential of the people’s parties, promotes nationalism, democracy, and the rights and welfare of the people at all times.

