
Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) was founded on April 16, 2009. It is a political coalition that is presently comprised of eight Philippine progressive parties: Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataan, COURAGE, Migrante, ACT and Katribu. The national council also includes personages in the field of arts, governance, mass media and people’s organizations. In its founding assembly, Makabayan rallied for change that is embodied in their call "Pilipino para sa Pagbabago, Pagbabago para sa Pilipino" (Filipinos for Change, Change for Filipinos).
Advancing the People's Agenda
Unlike other political organizations, Makabayan is anchored on the principle of empowering the people to make informed decisions and actions on issues that confront and affect them. Makabayan is not a coalition of popular personalities. Rather, it is a coalition of people from different sectors of society. It is a coalition with a definitive vision for change that is nationalist and progressive. It is built on the collective strengths and aspirations of the Filipino as proud, united and patriotic people.
During the past three national elections, Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis and Kabataan triumphed and actively participated in Congress as true representatives of the people, proving that victory in elections can be achieved without compromising one’s principles and rights.
With the objective of bringing the people’s agenda to mainstream politics, the eight parties decided to form a coalition to field progressive and nationalist candidates in the local and national elections. The people of Makabayan understand that it is time for our politics of change to be taken to a higher and broader level.
We know that the struggle for the politics of change is daunting, given the prevalence of repressive, violent and corrupt practices in our elections. But we, the Filipino people, know that now is the time for our voices to be heard. With our unity and collective action, we will achieve meaningful and progressive change, in the elections and beyond.
Download:
| CHAIRPERSONS | Maita Gomez Rep. Rafael Mariano |
| VICE CHAIRPERSON | Former Rep. Roseller Barinaga |
| PRESIDENT | Rep. Satur Ocampo |
| VICE PRESIDENT | Rep. Liza Maza |
| VP LUZON | Coun. Ramon Te |
| VP VISAYAS | Former Rep. Siegfred Deduro |
| VP MINDANAO | Former Rep. Joel Virador |
| SECRETARY GENERAL | Nathanael Santiago |
| DEPUTY SECRETARY GENERAL | Cristina Palabay |
| TREASURER | Cherry Clemente |
| AUDITOR | Ed Clemente |
| DIRECTOR FOR ORGANIZATION | Lutgardo Jurcales |
| DIRECTOR FOR POLITICAL AFFAIRS | Grace Saguinsin-Trinidad |
| GENERAL COUNSEL | Atty. Romeo Capulong |
| Dr. Bienvenido Lumbera Rep. Teodoro Casiño Rep. Luzviminda Ilagan Rep. Joel Maglunsod Rep. Neri Javier Colmenares Rep. Raymond Palatino Dir. Joel Lamangan Atty. Harry Roque Dr. Reynaldo Lesaca Jr. | Prof. Roland Simbulan Atty. Vicky Avena Atty. Evalyn Ursua Fides Lim Dr. Romeo Quijano Amirah Ali Lidasan Vencer Crisostomo Alvin Peters |
Binuklod ang Makabayan para isulong ang pulitika ng pagbabago. Saligang nilalaman ng pulitika ng pagbabago ang mabigyan ng kapangyarihan ang mamamayan at itaguyod ang mga prinsipyo at programa ng pagbabago sa larangan ng pulitika, ekonomya at kultura.
Ibinabandila natin ang pagbibigay-kapangyarihan sa mamamayan bilang susing usapin sa pagbabago ng pamahalaan at lipunan. Lalabanan natin sa reaksyunaryong pulitika ng status quo – ang pulitikang lumalabag sa kalooban at kapakanan ng mamamayan dahil sa pagkaganid sa kapangyarihan at yaman ng iilan. Pagpupunyagian nating magkaroon nang mulat, aktibo at pursigidong mamamayan at maitatag ang pamahalaang tunay na kumakatawan at nagsisilbi sa interes nila. Ipaglalaban natin ang higit na representasyon ng mayorya ng mamamayan sa iba’t-ibang antas ng guberno. Lalabanan natin ang pandaraya at pandarahas sa halalan at igigiit ang makabuluhang mga reporma upang maging tunay na malaya, patas at kapani-paniwala ang mga eleksyon. Bibigyan natin ng pangunahing diin ang plataporma, rekord at integridad ng mga kumakandidato at nakaupong upisyal publiko.
Ipinaglalaban natin ang mabuting pamamahala na nangangahulugan ng tapat at mahusay na paglilingkod ng mga namumuno at mahigpit na pagsubaybay ng mamamayan. Hindi natin papayagan ang anumang pandaraya, pagnanakaw at pagsisinungaling sa gubyerno. Masugid nating lalabanan ang katiwalian at korupsyon at uusigin ang mga tiwaling upisyal mula sa pinakamatataas na antas. Itatatag natin ang mas epektibong mga mekanismong nagtitiyak ng katapatan at pananagutan ng mga upisyal, ng check and balance sa pagitan ng mga yunit ng gubyerno, ng sistema ng recall sa mga nanunungkulan at ng pagsubaybay ng mamamayan. Bibigyan natin ng mataas na pagpapahalaga ang integridad, kakayahan, kasipagan, katapatan at kahusayan ng mga nasa serbisyong pampubliko.
Hinahangad nating mapaunlad ang ekonomyang maka-Pilipino na ang kontrol at pakinabang ay sa mga Pilipino. Wawaksan natin ang ekonomyang nakatanikala sa dayuhan at walang kakayahang magbigay ng sapat na trabaho at hanapbuhay para sa mamamayan. Bibigyang laya natin ang produktibong kakayahan ng mamamayan at itatatag ang ekonomyang nakatatayo sa sariling paa at lahatang-panig na umuunlad. Isusulong natin ang programa para sa tunay na repormang agraryo, kooperatibisasyon at modernisasyon ng agrikultura. Pangungunahan ng estado ang programa para sa industriyalisasyon ng bansa at isasabansa ang piling istratehikong industriya at serbisyo para sa kapakanan ng publiko. Titiyakin natin ang makatarungang pamamahagi ng yaman ng bansa at biyaya ng ekonomya.
Pagpupunyagian nating iahon ang mayorya ng mamamayan mula sa kahirapan na pinasisidhi pa ng pandaigdigan at panloob na krisis pang-ekonomya. Igigiit natin na bilang kagyat at pinakamataas na prayoridad ng pamahalaan at lipunan ang pagtugon sa mga sumusunod kahilingan ng batayang mga sektor at ng mamamayan: sapat na trabaho sa loob ng bansa at nakabubuhay at makatarungang sahod sa mga manggagawa, lupa at suporta sa produksyon sa mga magsasaka, produksyon ng sapat at abot-kayang pagkain, mas mabisang sistema ng pampublikong edukasyon at mas maunlad na serbisyo sa kalusugan, pabahay, tubig at kuryente. Kakalingain natin ang mga bata, matatanda, may kapansanang pisikal at iba pang may natatanging pangangailangan.
Pinangangalagaan natin ang kalikasan upang matamasa ng lahat at nang susunod na mga henerasyon ang yaman at biyaya nito. Hahadlangan natin ang pamiminsla sa kalikasan. Mapagpasya tayong kikilos upang protektahan ang ating mayamang sistemang ekolohikal mula sa labis na pagsasamantala at pagwasak laluna ng dambuhalang mga komersyal na interes, dayuhan at lokal. Lilimitahan natin nang husto ang komersyal na pagmimina, pagtotroso at pangingisda at itutuon ang mga ito sa aktwal na pangangailangan ng pag-unlad ng bansa. Mag-aambag tayo sa paglutas sa suliranin ng pag-init ng mundo na umabot na sa kritikal na antas. Sisikapin nating mapaunlad ang kapasidad ng bayan sa pagtuklas at paggamit nang malinis at di nasasaid na enerhiya. Titiyakin natin na ang mga aktibidad ng tao ay di nakapipinsala sa kalikasan at kapaligiran.
Naninindigan tayo para sa ating pambansang soberenya at para sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa batay sa prinsipyo ng mutwal na paggagalangan at pakinabang. Tututulan natin ang lahat ng anyo ng dayuhang dominasyon at panghihimasok sa mga panloob na usapin ng bansa. Rerepasuhin, babaguhin o ipapawalambisa natin ang mga di-pantay na kasunduan at tratado sa US, Japan at iba pang mga bansa. Isusulong natin ang pagkakaisa ng iba’t-ibang mamamayan upang makamit ang katarungan, pag-unlad at kapayapaan sa buong daigdig. Gagawin natin ang lahat upang maprotektahan ang mga karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat at mabigyan sila ng kaukulang respeto at suporta, sa loob at labas ng ating bansa.
Itinataguyod natin ang mga karapatang demokratiko ng mamamayan - ang mga karapatang pangsibil, pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan at pangkultura. Ipatitigil natin ang pamamaslang, pagdukot, pandarahas at pananakot sa mga aktibista, mamamahayag at kritiko ng mga nasa kapangyarihan. Uusigin at parurusahan ang mga salarin at bibigyang katarungan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Itataguyod natin ang karapatan sa sariling pagpapasya ng mamamayang Moro at mga katutubong Pilipino.
Pinahahalagahan natin ang kulturang mapagmahal sa bayan, mapagmalasakit sa mamamayan, mapangalaga sa kalikasan, syentipiko at progresibo. Patitibayin natin ang pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng pagpapatingkad ng kasaysayan, kultura at pagpapahalagang kumon at ng pagpapaunlad ng pambansang wikang Filipino. Kaalinsabay, igagalang at pagyamanin natin ang iba’t-ibang kultura, kaugalian, wika at dyalekto ng iba’t-ibang lahi at mamamayan. Itatakwil natin ang kaisipang kolonyal at korap, ang konsumerismo at indibidwalismo, kabulukang moral at kultural.
Itinataguyod natin ang pantay na katayuan at karapatan para sa kababaihan at ang pagkakapantay sa kasarian sa lahat ng antas ng pamamahala at pamumuhay sa lipunan. Lalabanan natin ang lahat ng anyo ng pang-aapi, diskriminasyon at pandarahas sa kababaihan at batay sa kasarian. Iwawasto natin ang mga maling pagtingin at diskriminasyon sa mga taong may piniling ibang kasarian. Gagawa tayo ng mga hakbang pagwawasto tungo sa ganap na pagkakapantay-pantay ng kakayahan at oportunidad na makalahok at makapamuno sa larangan ng ekonomya, pulitika at kultura ang sinuman anuman ang kanyang kasarian.
Itinutulak natin natin ang prosesong pangkapayapaan batay sa katarungan at pangmatagalan. Itataguyod natin ang pagtutuloy, pagsulong at pagbubuo at pagpapatupad ng mga kasunduan ng mga bilateral na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front, Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front. Hihingin nating mapagpasyang harapin at lutasin ng pamahalaan at katuwang na kinakausap na rebolusyonaryong kilusan ang mga suliraning ugat ng mga armadong labanan na tumagal na ng ilang dekada. Isusulong natin ang dyalogo sa pagitan ng iba’t-ibang grupong may paniniwalang panrelihiyon o wala para mabuo ang pagkakaunawaan at mapayapang pakikipamuhay sa isa’t-isa.
Ang koalisyong ay tatawagin nating Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o Makabayan. Ginagamit natin ang katagang makabayan sa dalawang pakahulugan: ang pagiging makamamamayan at makabansa, ang ating dalawang saligang prinsipyo.
Ang mga partidong tagapagtatag ng Makabayan ay ang Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataang Pinoy, ACT teachers’ party list at COURAGE party list. Kasama din ang mga personahe at indibidwal na nagtataguyod ng mga layunin, prinsipyo, programa at alituntunin ng Makabayan.
Bubuuin ang mga tsapter ng Makabayan sa mga prubinsya, lunsod at munisipyo na may tsapter o kasapian ang dalawa o higit pang kasaping partido ng koalisyon.