2. Ipaglaban ang mabuting pamamahala!
- Usigin at panagutin sina Gloria Macapagal-Arroyo, Mike Arroyo at kasabwat na mga matataas na upisyal sa kaso ng pandarambong at korupsyon, malulubhang paglabag sa karapatang pantao at iba pang mga krimen. Kagyat na samsamin ng gubyerno ang mga ninakaw at di maipaliwanag na yaman ng pangkating Arroyo.
- Tiyakin ang independensya ng Kongreso, ng mga Hukuman mula sa Ehekutibo at palakasin ang sistema ng pagbabantay at pagbabalanse ng mga sangay ng pamahalaan. Ibalik ang ganap na kapangyarihan ng Kongreso sa pambansang badyet, ipagbawal ang awtomatikong paglalaan ng pondo at ng awtomatikong pagpapairal nang dating badyet.
- Isapubliko ang mga taunang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng lahat ng mga pampublikong upisyal.
- Tiyakin ang pag-iral nang katapatan at pananagutan. Isabatas ang karapatan sa impormasyon ng madla laban sa pribilehiyong ehekutibo.
- Ipasa ang panukalang batas para sa proteksyon ng mga "whistleblower".
- Gawing institusyon ang paglahok ng mga “independent watchdog group” ng mamamayan sa lahat ng antas ng pamamahala. Tiyakin ang mga public hearing bago planuhin at ipatupad ang mga proyektong makakaapekto sa mamamayan.
- Sugpuin ang korupsyon sa sandahatang lakas at kapulisan sa pamamagitan ng pagbabawal ng kumbersyon ng pondo at iba pang maanomalyang gawain. Usigin ang mga matataas na upisyal sa sangkot sa mga katiwalian.